Duterte nangakong magiging malinis ang 2022 Presidential elections
Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magiging tapat at malinis ang 2022 Presidential elections.
Sa talumpati sa inagurasyon ng isang power plant sa Sarangani, Biyernes ng hapon, sinabi ng presidente na hindi niya papayagan ang sinuman, kaalyado o kaibigan man na samantalahin ang eleksyon.
“You know it’s too far away to be speculating or even talking about it. But I am on my way out. What I can assure you, ladies and gentlemen, that it will be a clean election during my time,” ani Duterte.
“I will not allow anybody, friend or foe, (in) alliances with us or on the other side. It will be equal treatment for all,” giit ng pangulo.
Pangako ni Duterte, hindi siya papasok sa anumang alyansa na makagugulo sa halalan.
“Allow the Filipino to vote freely and the votes counted correctly. At this early, I am not entering into any alliances that would derail the elections,” dagdag ni Duterte.
Muli ring iginiit ng pangulo na bababa agad siya sa pwesto kapag natapos ang anim na taong termino at hindi maglalagi nang sobra kahit isang minuto.
Isa sa mga pinalulutang na hahalili kay Duterte ay mismong ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Pero noong February 2019, iginiit ng alkalde na ang pagtakbo sa pagkapresidente ay kailangan munang pagnilayan at maaaring magkaroon siya ng desisyon sa January 2021.
Makailang beses na binalaan ng pangulo ang kanyang anak dahil sa mga sakripisyo at insulting maaari nitong harapin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.