M3.4 na lindol naitala sa Sarangani

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Sarangani alas-11:47 Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 67 kilometro Timog-Kanluran ng Maasim.

May lalim itong 23 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...