Bagyong #SarahPH humina pa, papalabas na ng PAR
Patuloy ang paghina ng Tropical Storm Sarah habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 600 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na lang nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km bawat oras.
Kumikilos pa rin ito pa-Hilaga sa bilis na 20 km kada oras.
Ayon sa PAGASA, inaasahang nasa labas na ng PAR ang bagyo sa loob ng anim na oras at patuloy pa itong hihina.
Wala nang epekto ang bagyo saanmang bahagi ng bansa.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Ilocos Norte bunsod ng matataas na alon na dulot ng Northeats Monsoon o Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.