Bahagi ng Kennon Road bukas na sa mga motorista

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 08:40 PM

Inaprubahan ng Inter-agency Task Force Kennon ang hiling ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na buksan ang bahagi ng Kennon Road sa mga motorista kapag weekends.

Hiniling ito ni Magalong para maibsan ang pagsisikip ng daloy ng traffic sa Marcos Highway at sa Tubao – Asin -Nangalisan Road na pansamantalang nadaraanan ng mga turistang patungo ng Baguio.

Inaprubahan ng Task Group Kennon ang pagbubukas ng Kennon Road mula alas 6:00 ng gabi ng Biyernes, Nov. 22 hanggang alas 6:00 ng gabi ng November 25, 2019.

Sa nasabing petsa, bukas ang Kennon Road one-way lamang o patungo lamang ng Baguio City at para lamang sa maliliit na sasakyan (5 tons and below).

Pinayuhan din ang mga motorista na panatilihin ang speed limit na 20kph sa pagdaan nila sa Kennon Road.

Ang downward lane ng Kennon ay gagamitin pa rin ng mga residente sa lugar, kaya ang upward lane lang talaga ang pwedeng gamitin ng mga motorista.

TAGS: baguio city, Kennon Road, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic, baguio city, Kennon Road, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.