Tarlac, Rizal at Laguna uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Tarlac, Rizal at Laguna.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA,alas 8:22 ng gabi ng Nov. 22, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa tatlong lalawigan.

Nararanasan na rin ang ganitong lagay ng panahon sa bayan ng General Nakar sa Quezon; Dona Remedios Trinidad, San Miguel at San Ildefonso sa Bulacan; Candaba, Pambanga; at sa Cabiao, San isidro at Gapan sa Nueva Ecija.

Pinayuhan ang mga apektadong residente na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...