Mga atleta at opisyal ng Malaysia na pupunta ng Pilipinas para sa SEA Games, nagpabakuna kontra polio
Nagpabakuna kontra polio ang mahigit 1,000 atleta at opisyal ng Malaysia na magtutungo sa Pilipinas para sa sumabak sa SEA Games.
Ayon kay Olympic Council of Malaysia (OCM) deputy president Datuk Seri Azim Zabidi, pinabakunahan kontra polio ang lahat ng 1,114 na atleta at game officials.
Ito ay matapos silang makatanggap ng liham mula sa Philippines SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na nagsasamint may outbreak ng polio sa bansa.
Naisagawa ang pagbabakuna sa lahat ng atleta kahapon, Nov. 21.
Kabilang sa mga magtutungo sa Pilipinas para sa SEA Games ang 774 na Malaysian athletes at 340 na officials.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.