Sa kaniyang speech sa inagurasyon ng coal-powered power plant sa Maasim, Sarangani sinabi ng pangulo na ilegal ang paggamit ng vape dahil nagtataglay ito ng nicotine.
Sapat na aniyang dahilan ang pagkakaroon ng nicotine ng vape para ito ay ipagbawal.
Kung gagamitin aniya sa public places ang vape, paglabag na din ito sa batas na nagbabawal sa nicotine.
“If you use vaping in public, there is nicotine. And so without the other chemical combustion there, you are already violating the law in vaping because it contains nicotine,” ayon sa pangulo.
Tinawag ding “ulol” ng pangulo ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pagkontra nito sa kaniyang utos na ipagbawal ang vape.