QR Code sa bagong RFID plates ng LTO hindi naglalaman ng personal at sensitibong impormasyon ng car owners – DOTr
Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na ang QR Code sa bagong Radio Frequency Identification (RFID) plates ay hindi nagtataglay ng sensitibo at personal na impormasyon ng may-ari ng sasakyan.
Ayon sa pahayag ng DOTr, ginawang readable ng Land Transportation Office (LTO) ang QR code
para sa mgaa gadget upang maging mabilis ang beripikasyon.
Sa pamamagitan nito, sinabi ng LTO na ang mga law enforcement agency ay maari nang maberipika ang impormasyon tungkol sa isang sasakyan nang hindi nagre-request sa LTO.
Taglay ng accessible na QE Code ang plate number ng sasakyan, kulay ng sasakyan, mula at hanggang kailan valid ang registration nito, Chassis number, Engine Number, MV File Number, at ang Serial Number 1 at 2 ng plaka.
Ang mahahalagang impormasyon at personal na impormasyon naman ng may-ari ng sasakyan ay safe na nasa RFID chip.
Ang RFID chief na hindi basta-basta maa-access ay nagtataglay ng pangalan ng may-ari, address, vehicle make, plate number, kulay ng sasakyan, at iba pa.
Tiniyak ng LTO na sumusunod ang ahensya sa Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.