Pirma na lang ni Pangulong Duterte ang hinihintay para sa Malasakit Center Bill – Senator Bong Go

By Jan Escosio November 22, 2019 - 06:28 PM

Sinabi ni Senator Christopher Go na pirma na lang ni Pangulong Duterte ang kulang para maging ganap na batas na ang itinulak ni Senator Christopher Go na Malasakit Center Bill.

Ayon kay Go, layon ng kanyang panukalang batas na magkaroon ng Malasakit Center sa 73 ospital ng DOH sa bansa.

Bukod dito, titiyakin na rin ng LGUs na kumpleto ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, tulad ng DSWD, Philhealth, Pagcor at PCSO, sa Malasakit Center na nasa kanilang nasasakupan.

Dagdag ni Go, ang Malasakit Center ay ‘one stop shop’ para sa mga nangangailangan ng tulong para sa kanilang gastusin sa mga ospital.

Ang bawat Malasakit Center ay may express lane din para sa mga senior citizens at person with disabilities o PWDs.

TAGS: Health, Malasakit Center Bill, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website, Health, Malasakit Center Bill, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.