Utos ni Pangulong Duterte na ihinto ang rice importation hindi na itutuloy
Binawi ng pamahalaan ang unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihihinto na ng bansa ang pag-aangkat ng bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nagbago ng isip si Pangulong Duterte matapos nitong makapulong si Finance Secretary Carlos Dominguez III at Executive Secretary Salvador Medialdea.
Kinumpirma naman nito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at sinabing sa halip na ihinto ang pag-aangkat ng bigas ay magpapatupad na lang ng mas istriktong importation standards.
Ayon kay Panelo, walang dahilan para suspindihin ang rice importation base na din sa pahayag ni Far. At sa halip ang kailangan lang gawin ay maging istrikto sa requirements para sa importasyon.
Base aniya sa utos ni Pangulong Duterte, ang gobyerno ay bibili ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.