Nueva Ecija at Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa Nueva Ecija at Quezon sa susunod na mga oras.

Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 4:23 ng hapon ng Biyernes, Nov. 22 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Quezon at Nueva Ecija.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasn sa mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, San Jose Del Monte, Angat, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Santa Maria, Balagtas at Pandi sa Bulacan; gayundin sa Candaba, Pampanga.

Pinayuhan ang mga apektadong residente na maging alerto sa posibleng pagbaha o landslides.

Read more...