Mga maaarestong gumagamit ng vape pwedeng dumulog sa korte – IBP

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 03:22 PM

Maaring pumalag at kwestyunin ng vape users ang mga otoridad kapag sila ay inaresto.

Pahayag ito ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ‘verbally’ ang pagbabawal sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Atty. Domingo Cayosa, kung mayroong sa tingin nila ay naagrabyado sila, pwede silang magtungo sa korte.

Ayon kay Cayosa ang executive order na umiiral sa ngayon ay pagbabawal sa paggamit ng tobacco products sa mga pampublikong lugar.

Hindi aniya malinaw kung sakop nito ang vape.

Una nang nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na pwede pa namang gumamit ng vape pero sa mga designated na lugar lamang.

TAGS: IBP, PH news, Philippine breaking news, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vape, IBP, PH news, Philippine breaking news, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.