Comelec, nababahala na sa mga pambobomba ng mga tore sa Mindanao.

By Jay Dones January 20, 2016 - 04:51 AM

 

fallentower-620x406 ngcpNagpahayag na rin ng pagkabahala ang Commission on Elections sa posibilidad ng mga power failure sa panahon ng eleksyon dahil sa patuloy na pambobomba sa mga tore ng kuryente sa Mindanao.

Ito ang dahilan kaya’t makikipagpulong na ang mga opisyal ng Comelec sa mga kinatawan ng National Grid Corporation of the Philippines upang talakayin ang mga posibleng solusyon dito.

Gayunman, nilinaw ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec na hindi magiging problema sa mga vote counting machines ang biglaang power outage dahil mayroon naman itong back-up power na tatagal ng hanggang sa 15 oras.

Ang nakikita nilang magiging problema aniya ay kung sakaling mawalan ng kuryente sa isang lugar na magiging dahilan upang mahirapan ang mga tao at maging ang mga tauhan ng Comelec na makapagtrabaho.

Dahil din aniya sa mga serye ng mga pambobomba sa mga tore ng kuryente sa Mindanao, pinag-iisipan na nilang palawakin ang sakop ng kanilang gun ban committee.

Sinisilip na rin aniya ng komisyon ang posibilidad na bigyan na rin ng aktibong partisipaasyon ang komite sa usapin ng deployment ng puwersa ng PNP at AFP sa mga lugar na kinakailangan ng karagdagang seguridad.

Nito lamang Lunes, kinumpirma ng NGCP na isa na namang tore ang tinangkang pabagsakin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Pantar, Bubong, Lanao del Sur.

Sa kabila ng pambobomba, maswerteng hindi ito bumagsak, ayon sa NGCP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.