Metro Manila, mga kalapit na lalawigan, nakararanas ng pag-ulan

Inuulan ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA ala 1:40 ng hapon, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Laguna, Batangas, at Quezon.

May kaakibat na malakas na hangin, papgkulog at pagkidlat ang nararanasang pag-ulan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Read more...