Tauhan ng MMDA sugatan matapos pagtulungang bugbugin ng driver at kunduktor ng bus

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 02:50 PM

Umapela sa netizens ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makipag-ugnayan sa ahensya kung may nakapag-video ng pambubugbog ng isang bus driver at kunduktor nito sa isang tauhan ng MMDA.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, pinagtulungang bugbugin ng kunduktor at driver ng Diamond Star na bus si Arvin Gabay, miyembrong Sidewalk Clearing Team ng MMDA.

Sinita kasi ni Gabay ang bus driver dahil overstaying na ito sa bahagi ng Ortigas Northbound, Biyernes (Nov. 22) ng umaga.

Sa halip na umusad ang bus, nakipagsagutan kay Gabay ang driver at kunduktor, bumaba at saka siya pinagtulungang saktan.

Nahuli naman ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group ang dalawang suspek.

Ayon sa MMDA, kung mayroong nakakuha ng video sa pangyayari ay maaring makipag-ugnayan sa kanila para makatulong sa pagsasampa ng reklamo ni Gabay.

TAGS: bus, diamond star bus, mmda, PH news, Philippine breaking news, pnp-hpg, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, bus, diamond star bus, mmda, PH news, Philippine breaking news, pnp-hpg, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.