Ilang bahagi ng EDSA at mga kalye sa QC, isasailalim sa reblocking ngayong weekend.
Muling magpapatupad ang Department of Public Works and Highways ng panibagong road reblocking sa ilang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kabilang na ang parte ng EDSA.
Sa pitong lugar sesentro ang concrete reblocking ng DPWH ngayong weekend na sisimulan mamayang alas 11:00 ng gabi at tatagal hanggang sa alas 5:00 ng madaling araw sa Lunes.
kukumpunihin ang southbound direction bago ang P. Tuazon Flyover gayundin ang parte Boni Serrano Flyover, 2nd innermost lane, 2nd lane sa gilid ng railway; at sa northbound direction pagkalagpas ng Aurora Boulevard patungong New York Street dahil gagawin ang 3rd lane nito mula sa sidewalk.
Apektado ng reblocking ang southbound direction ng A. Bonifacio Avenue sa pagitan ng 11th Avenue patungong J. Manuel Street, 2nd lane mula sa sidewalk; at G. Araneta mula Bayanin Road intersection.
Gayundin ang westbound direction ng General Luis Street mula Rebisco Road patungong SB Diversion Road; at sa Elliptical Road pagkalagpas ng Maharlika Street, 8th lane mula sa outer sidewalk.
Gagawin din ang northbound direction ng Katipunan Avenue/Circumferential Road 5 (C5) pagkalagpas ng C. P. Garcia, 3rd lane mula sa center island.
Pinapayuhan ng DPWH ang mga maapektuhang motorista na magplano at maghanap ng posibleng mga alternatibong ruta para maiwasan ang build-up ng mga sasakyan sa mga apektadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.