Ginang arestado dahil sa iligal na operasyon ng STL sa Quezon Province

By Rose Cabrales November 22, 2019 - 02:17 PM

Arestado ang isang hinihinalang “bookies” na ginang dahil sa iligal na operasyon ng STL sa bayan ng Tayabas sa lalawigan ng Quezon, alas-8 ng gabi ng Huwebes (November 21).

Nakilala ang suspek na si Laila Dator, 60 taong gulang at residente ng Barangay Tongko.

Ayon kay Colonel Audie Madrideo, Quezon police Director, naaresto si Dator habang nangongolekta ng taya mula sa isang police undercover.

Ayon pa kay Madrideo, bigong makapagpakita ng I.D. na mula sa Pirouette Gaming Corp. na lisensyadong operator ng
STL sa lalawigan.

Nakumpiska sa suspek ang listahan ng mga taya at pera.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o An Act Increasing The Penalties for Illegal Numbers Game, Amending Certain Provision of Presidential Act 1602 and for Other Purposes.

TAGS: Bookies, iligal na operasyon, quezon province, Republic Act 9287, STL, Bookies, iligal na operasyon, quezon province, Republic Act 9287, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.