BI nasa heightened alert na para sa SEA Games at holiday rush

Nagtaas ng alerto ang Bureau of Immigration para sa nalalapit na pagsisimula ng SEA Games.

Nasa heightened alert ngayon ang BI dahil inaasahan ang tatlong porsyentong pagaatas ng arrivals at departures sa kasagsagan ng holiday season at pagdating ng 8,000 delegado para sa SEA Games.

Ayon kay Port operations chief Grifton Medina, hindi papayagan ang kanilang mga tauhan na maghain ng leave of absence sa kasagsagan ng holiday season at SEA GAames.

Una rito ay nag-hire ng dagdag na 600 immiigration officers ang BI.

Kasabay nito, inabisuhan ng BI ang mga pasaherong bibiyahe palabas ng bansa sa holiday rush na maglaan ng tatlong oras na pataan bago ang kanilang flight.

Read more...