Pagpayag ng Albay court na magpiyansa si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo iniakyat sa CA
Inakyat ng Department of Justice (DOJ) sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ng mababang hukuman sa Legazpi City na makapagpiyansa sa kasong murder si dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.
Si Baldo ang sinasabing utak sa pagpatay kay Ako Bicol partylist representative Rodel Batocabe.
Ang hakbang ng DOJ ay matapos ibasura ni Legazpi Regional Trial Court Judge Maria Theresa San Juan Loquillano ang apela laban sa pagpiyansa ni Baldo.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, naghain na sila ng petition for certiorari sa appellate court para kuwestyunin ang naging pasya ni Judge Loquillano.
September 4 nang magbayad si Baldo nang piyansa sa halagang P8.7 million pesos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.