Nueva Ecija at Pampanga uulanin sa susunod na mga oras
Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa Nueva Ecija at Pampanga.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 7:35 ng umaga ng Biyernes, Nov. 22 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa lalawigan.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng General Nakar, Infanta at Real sa Quezon; Santa Maria, Mabitac, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil at Paete sa Laguna; Tanay, Rizal; Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa pagbahay na maaring maidulot ng malakas na ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.