PAL kinumpirmang eroplano nila ang nagkaproblema sa Los Angeles; 347 na pasahero at 18 crew ligtas lahat

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 07:40 AM

Kinumpirma ng Philippine Airlines na nagkaroon ng technical problem ang kanilang Flight PR 113 na galing Los Angeles International Airport at pauwi sana ng Pilipinas.

Sa pahayag ng PAL, nag-emergency landing ang eroplano alas 11:12 ng umaga ng Huwebes (Nov. 22) oras as Los Angeles.

Ayon sa PAL, ligtas na nakalabas ng eroplano ang lahat ng 347 na pasahero at 18 crew members

Agad ding inasistihan ang mga pasahero at tiniyak ng PAL na bibigyan ng atensyong medikal ang mga mangangailangan nito.

Pero ayon sa PAL, wala namang nasugatan o nasaktan sa insidente.

Ang sangkot na eroplano ay isang Boeing 777 aircraft na may registry number na RP-C7775 at ang piloto ay si Captain Tristan Simeon.

Alas 12:00 ng tanghali nang ligtas na maka-landing ang eroplano sa Los Angeles Airport matapos magpasya si Simeon na ibalik ito sa paliparan.

Tiniyak ng PAL na nakikipag-ugnayan ito sa mga otoridad hinggil sa imbestigasyon.

TAGS: Emergency landing, engine trouble, Flight PR 113, Los Angeles International Airport, PH news, philippine airlines, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Emergency landing, engine trouble, Flight PR 113, Los Angeles International Airport, PH news, philippine airlines, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.