PAL flight na pauwi ng Pilipinas nag-emergency landing sa Los Angeles Intl. Airport matapos magliyab ang engine
Isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) ang nag-emergency landy sa Los Angeles International Airport.
Umalis ang Boeing 777 ng PAL sa LAX alas 11:15 ng umaga ng Huwebes (Nov. 21) oras sa Los Angeles at patungo na sana sa Pilipinas.
Pero ilang saglit lang, nagdeklara ng emergency ang piloto nito at agad bumalik ang ang Flight 113 sa paliparan.
Ilang netizens ang nakapag-video ng eroplano habang ang likurang bahagi nito ay umuusok at nabubuga ng apoy.
Ayon kay Ian Gregor, tagapagsalita ng Federal Aviation Administration, nagkaroon ng engine trouble ang eroplano.
Si LAX airport spokesman Heath Montgomery ang nagkumpirmang PAL flight ang sangkot na eroplano.
Pero ilan sa mga nagbahagi ng video sa social media ay sinabing Delta Air ang nakita nila sa ere.
Ligtas naman ang lahat ng pasahero ng eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.