Anim na sasakyan nagkarambola sa EDSA-Cubao; maagang nagdulot ng traffic

Maagang nagsikip ang daloy ng traffic sa EDSA-Cubao matapos ang karambola ng anim na mga sasakyan.

Nangyari ang karambola sa EDSA Cubao Southbound pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Biyernes (Nov. 22) ang apat na bus.

Sangkot sa banggaan ang apat na bus at dalawang SUV.

Tatlo sa mga bus na nasangkot sa aksidente ay isang First North Luzon Transit, Genesis at isang Joybus.

Habang ang isa naman sa dalawang SUV na nadamay ay isang Montero Sport na may plakang TID-836.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng aksidente. Wala namang nasaktan sa aksidente.

Read more...