Cayetano dumepensa sa pagpili sa mall ng mga Villar para maging bowling venue ng SEAG
Nanindigan si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation Inc. chair at House Speaker Alan Peter Cayetano na walang ginawang pagpabor para sa Villar family sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ay dahil ang venue ng bowling events ng SEA Games ay sa Starmall EDSA-Shaw na pagmamay-ari ng mga Villar.
Sa panayam ng media araw ng Huwebes, sinabi ni Cayetano na hindi kailanman humiling ang Villar family na gamitin ang kanilang pasilidad.
Wala anyang korapsyon, ‘favoritism’ at kalabisan sa SEA Games.
“The Villars never asked me to use any of their facilities… In fact, if you didn’t bring it up, I wouldn’t have known all of these details. What I make sure of is that walang (there’s no) corruption, walang favoritism, walang excessive, and walang overpriced,” ani Cayetano.
Iginiit pa ni Cayetano na ang bowling venue ay pinili ng sports officials batay sa international standards.
Ang bowling center din anya sa loob ng Starmall EDSA-Shaw ay hindi naman pagmamay-ari ng mga Villar kundi ng Puyat Sports.
Ang bowling center sa mall ng mga Villar ay katangi-tangi na may 20 lanes at mayroon itong proper accreditation.
“Sila lang ang may 20 lanes. So, it just so happened that the Puyat Sports bowling lanes are in the Villar Mall,” dagdag ni Cayetano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.