Duterte nagpaliwanag kung bakit hindi niya maipagbawal ang sigarilyo

By Rhommel Balasbas November 22, 2019 - 02:17 AM

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi niya maipagbawal ang sigarilyo sa bansa sa kabila ng iniutos na ban sa importasyon ng electronic cigarettes at vapes.

Sa talumpati sa Center for Elderly sa Taguig City, sinabi ng pangulo na hindi tulad ng e-cigarettes at vapes, opisyal na pinapayagan ang sigarilyo sa Pilipinas at binubuwisan ito.

“Kasi ‘yan, cigarette, is allowed Why [we] cannot ban cigarettes? Why? Because we allow its manufacture and maybe the importation of tobacco. We allow it, pinapayagan natin, and then we tax them” ayon sa pangulo.

Giit ni Duterte, ang vape products ay nagtataglay ng nicotine at mga hindi pa tiyak na kemikal na hindi naman dumaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA).

“Eh itong vaping, may nicotine, kung hindi k aba u*** may nicotine. Pero may nilagay kayo na mga flavoring diyan at mga hindi ko alam na kung ano. Hindi mo kasi in-import ‘yan idinaan mo sa FDA,” dagdag ng presidente.

Paliwanag ng pangulo, ang sigarilyo hindi tulad ng vape products ay dumadaan sa FDA.

Noong 2017, ipinagbawal ng pangulo ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bansa sa pamamagitan ng isang executive order (EO).

Dapat ay sakop na anya ng kanyang ipinatupad na polisiya ang e-cigarettes lalo’t nagtataglay din naman ito ang nicotine.

Una nang nag-utos ang pangulo sa pambansang pulisya na hulihin ang mga vapers sa pampublikong lugar.

Nagbabala rin ito sa Hudikatura na huwag maglabas ng restraining order laban sa kanyang kautusan.

TAGS: e-cigarettes, nicotine, Rodrigo Duterte, sigarilyo, tobacco products, vape, vape ban, e-cigarettes, nicotine, Rodrigo Duterte, sigarilyo, tobacco products, vape, vape ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.