Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 275 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 km kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilaga sa bilis na 10 km kada oras.
Nakataas na lang ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes.
Ayon sa PAGASA, may pagbugso ng hangin na mararanasan sa Babuyan Islands hanggang bukas (Nov.22), dahil sa Hanging Amihan.
Hindi na halos magdadala ng mga pag-ulan ang Bagyong Sarah saanmang bahagi ng bansa.
Gayunman, posibleng magdala ng pulo-pulo at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulong at pagkidlat ang Easterlies sa eastern section ng bansa.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa seaboards ng Northern Luzon, western seaboards ng Zambales.
Inaasahang lalabas ng PAR ang Bagyong Sarah sa Sabado ng umaga.
Samantala, ang low pressure area (LPA) na dating Bagyong Ramon ay huling namataan sa layong 405 km Kanluran Timog-Kanluran ng Subic, Zambales.
Inaasahan itong malulusaw sa West Philippine Sea sa loob ng 24 oras.