Pagdinig laban sa PECO, ipatatawag ng Kamara

By Erwin Aguilon November 21, 2019 - 09:22 PM

Gagamitin ng Kamara ang kanilang oversight powers para magpatawag ng Congressional inquiry hinggil sa mga reklamo laban sa Panay Electric Company (PECO).

Ayon kay Iloilo Rep. Julienne Baronda, kailangang pagpaliwanagin ang Department of Energy (DOE) at ang PECO ang siyam na magkakasunod na sunog na naitala magmula noong Oktubre 19 hanggang 21 ng taong 2019.

Hindi aniya ito simpleng bagay na dapat ipagkibit-balikat lamang kaya mainam na mabigyan ng linaw ng DOE ang Kongreso kung gaano kaligtas ang operasyon ng PECO.

Nabatid ng kongresista sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na halos kalahati ng mga sunog sa Iloilo City na naitala mula 2014 ay kasama ang mga poste ng PECO.

Batay sa datos, mula Enero 1, 2014 hanggang October 29, 2019, ay 2,887 fire incidents ang naganap sa Iloilo City kung saan 1,464 dito ay pawang poll fires.

Samantala, umaapela naman si Baronda sa ERC na bilisan ang imbestigasyon sa mga reklamong kinakaharap ng PECO, kabilang na ang sinasabing kapabayaan nito sa kanilang mga consumer.

TAGS: 18th congress, Congressional inquiry, DOE, Kamara, peco, Rep. Julienne Baronda, 18th congress, Congressional inquiry, DOE, Kamara, peco, Rep. Julienne Baronda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.