20 tonelada ng mga nakumpiskang kagamitan, sinira ng BOC
Sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit 20 tonelada ng nakumpiskang kagamitan sa Trece Martires, Cavite araw ng Huwebes (November 21).
Ayon sa BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isinailalim ang mga abandonadong kagamitan sa condemnation proceedings para ma-decongest ang kanilang pasilidad.
Paliwanag ni Port of NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, ito ay kasunod ng direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na linisin ang kanilang storage facilities mula sa mga abandonado at ilegal na kagamitan.
Sinira ang mga kagamitan sa pamamagitan ng Themal Decomposer (Pyrolysis) Facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) katuwang ang Food and Drugs Administration (FDA), Optical Media Board (OMB), National Telecommunication Commission (NTC) at Commission on Audit (COA).
Ayon sa Auction and Cargo Disposal Dvision (ACDD-NAIA), kabilang sa mga sinirang gamit ay unserviceable computer parts, pasong mga gamot at bitamina, at food products na walang food at drug clearances.
Isinagawa ang condemnation proceedings kasunod ng probisyon ng Section 1145 (Disposition of Goods Injurious to Public Health) at 1148 (Disposition of Regulated Goods) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.