Bagyong #SarahPH, lumakas pa habang binabagtas ang Philippine Sea

By Angellic Jordan November 21, 2019 - 05:20 PM

DOST-PAGASA PHOTO

Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm “Sarah” habang binabagtas ang Hilagang-Kanlurang bahagi ng Philippine Sea.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 255 kilometers Silangang bahagi ng Basco, Batanes.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes.

Huwebes ng gabi, iiral ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Isabela, Cagayan lalo na Silagang bahagi nito at northern Aurora.

Patuloy namang makararanas ng masungit na panahon sa northern at western section ng Northern Luzon bunsod ng Northeast Monsoon o Amihan.

Sinabi ng PAGASA na mapanganib pa ring pumalaot ang mga maliliit na sasakyang-pandagat sa seaboards ng lugar na nasa ilalim ng TCWS, seaboards ng Northern Luzon, western seaboard ng Central at Southern Luzon.

Inaasahan namang unti-unti nang hihina ang Bagyong Sarah simula sa araw ng Biyernes.

Posible rin itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga.

TAGS: #SarahPH, Bagyong Sarah, evere Tropical Storm "Sarah", Pagasa, #SarahPH, Bagyong Sarah, evere Tropical Storm "Sarah", Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.