‘One-time big-time’ operations vs lalabag sa batas-trapiko, ikakasa sa Biyernes (Nov. 22)
Magkakasa ng “one-time big-time” operation laban sa mga lalabag sa batas-trapiko, lalo na ang overloading at overspeeding, sa Biyernes (November 22).
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), layon ng aktibidad na maiwasan ang pagdami ng mga aksidente sa kalsada.
Maliban dito, pagtugon din anila ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cabinet meeting noong November 4 na istriktong ipatupad ang mga batas-trapiko sa bansa.
Humingi ng tulong ang LTO sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para operasyon sa iba pang parte ng bansa.
Katuwang din ng LTO sa operasyon ang Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Law Enforcement Service ng LTO, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), North Luzon Expressway (NLEX), at South Luzon Expressway (SLEX).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.