Mga huhulihing gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar, hindi ikukulong – PNP
Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi hindi ikukulong ang mga mahuhuling gumagamit ng vape o electronic cigarette sa mga pampublikong lugar.
Sa isang press briefing, ipinaliwanag ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na ipinag-utos niya ito kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pag-ban ng importasyon ng vape noong Martes ng gabi, November 19.
Aniya, gagawin ang nasabing hakbang ng pulisya para maprotektahan ang interes ng publiko tulad ng kalusugan.
Kapag nahuli, dadalhin lamang ito sa presinto para magpaliwanag, ipapa-blotter at saka palalayain.
Maaari lamang aniyang hulihin ang mga gumagamit ng vape ngunit hindi maaaring parusahan.
Tiniyak naman ng opisyal na hindi maaabuso ng pulisya ang paghuli sa mga gumagamit ng vape.
Sakaling mayroon man, sinabi ni Gamboa na direkta itong sabihin sa kaniya.
Paalala pa ni Gamboa sa publiko, kung hindi maiwasan ang paggamit nito, gamitin na lamang sa mga pribadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.