Lebel ng tubig sa Buntun River sa Cagayan, mabilis ang pagtaas

By Angellic Jordan November 21, 2019 - 03:26 PM

Patuloy na nadaragdagan ang antas ng tubig sa Buntun River sa Cagayan.

Sa huling update ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Cagayan, umabot na sa 7.55 meters ang water level sa Buntun Bridge bandang 12:10 ng tanghali.

Mahigit isang metro ang itinaas nito kumpara sa 6.46 meters bandang 6:20 ng umaga.

Dahil dito, inalerto ang mga residente na posibleng makaranas ng pagbaha sa mababang lugar malapit sa Cagayan River sa susunod na 24 oras.

Itataas sa alert level warning ang Buntun Bridge kapag umabot na sa 9 meters ang lebel nito habang critical level naman kapag 12 meters.

TAGS: baha, buntun river, Cagayan, baha, buntun river, Cagayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.