Ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan November 21, 2019 - 01:59 PM

DOST-PAGASA PHOTO

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:20 ng hapon, mararamdaman ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Batangas.

Sinabi ng weather bureau na iiral ang lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban dito, maaapektuhan din ng nasabing kondisyon ng panahon ang Quezon partikular sa Lopez, Buenavista, Calauag, Gumaca at General Luna.

Inabisuhan ang mga residente sa lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Batangas, Pagasa, Quezon, thunderstorm advisory, Batangas, Pagasa, Quezon, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.