Makalipas ang mahigit 10 taon, Mandy Moore magkakaroon muli ng concert tour

Matapos ang mahigit isang dekada, magkakaroon muli ng concert tour si Mandy Moore.

Sa kaniyang post sa Instagram, inanunsyo ni Moore ang kaniyang North American Tour.

Magaganap ang serye ng concert sa North America ni Moore mula Marso 2020 hanggang Mayo 2020.

Bukas araw ng Biyernes (Nov. 22) magsisimulang mabili ang tickets para sa concert.

Tanyag ang mga awitin ni Moore na “I See the Light”, “When Will my Life Begin” na pawang soundtrack ng pelikulang Tangled noong 2010.

Gayundin ang kandang “Only Hope” para sa pelikulang A Walk to Remember.

Read more...