Bagyong Sarah lumakas pa; Signal No. 1 nakataas pa rin sa Batanes

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2019 - 11:19 AM

Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm Sarah.

Huling namataan ang bagyo sa layong 275 km East ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabotsa 125 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes.

Ayon sa PAGASA makararanas ngayong araw ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Cagayan, Aurora at northern Quezon due.

Inaasahang bukas o sa Sabado ay hihina ang Bagyong Sarah.

Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado.

TAGS: basco, batanes, Pagasa, PH news, Philippine Area of Responsibility, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Cyclone Wind Signal Number 1, basco, batanes, Pagasa, PH news, Philippine Area of Responsibility, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Cyclone Wind Signal Number 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.