VP Leni Robredo dapat alam ang kanyang limitasyon bilang anti-drug czar – Sen. Tito Sotto

By Jan Escosio November 21, 2019 - 10:49 AM

Hindi kailangang sawsawan lahat ni Vice President Leni Robredo ang lahat ng aspeto ng pagkasa ng kampaniya kontra droga.

Ito ang personal na opinyon ni Senate President Vicente Sotto III.

Sinabi pa ni Sotto itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs para malaman nito ang tunay na sitwasyon ng problema ng droga sa bansa.

Dagdag pa ni Sotto magiging maayos ang relasyon nina Pangulong Duterte at Robredo kung magpo-focus lang ang bise presidente sa kanyang job description ng kanyang bagong trabaho.

Aniya ang trabahong ito ay coordinating at monitoring ng mga polisiya ng komite.

Banggit ni Sotto hindi na dapat sumawsaw pa si Robredo sa mga isyu na may kinalaman sa law enforcement.

Nasabi pa ng senador na may ibang pakay ang advisers ni Robredo kayat gumugulo pa ang trabaho nito sa ICAD.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vicente Sotto III, VP Leni Robredo, War on drugs, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vicente Sotto III, VP Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.