DOJ nilinaw na hindi sila ang dahilan ng pagkaantala ng kaso ni Senator Leila De Lima
Kasabay ng ika-1,000 araw sa detention facility ni Senator Leila De Lima, nagpahayag ang pamunuan ng Department of Justice (DOJ) na hindi sila ang dahilan ng pananatili sa custodial center ng senadora.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, simula pa lamang ng unang araw ng paglilitis ng prosecution panel sa senadora, ibinilin na niya sa mga piskal na pabilisin ang kaso.
Ngunit ayon sa kalihim, may mga kadahilanan o factors na maaaring nagpapaantala sa pagreresolba sa kaso, kabilang na ang bilang, o dami ng mga akusado at bilang ng mga saksi.
Dagdag pa diyan ang mga umaatras, o nag-i-inhibit na mga hukom, pagtatakda ng court calendar sa mga kaso at ang ibat-ibang mga mosyon at petisyon na inihahain sa mataas na hukuman at iba pa.
Si De Lima, na kilalang kritiko ng administrasyong Duterte ay nahaharap sa kasong may kinalaman sa drug trafficking sa New Bilibid Prison nung siya ay nakaupong Justice Secretary at napunta ang kaso sa pagdinig ng magkakaibang korte sa muntinlupa regional trial court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.