Halos 10,000 katao sa Cagayan nananatili sa evacuation centers

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2019 - 09:52 AM

Aabot sa halos 10,000 katao ang nananatili pa sa mga evacuation centers sa Cagayan.

Ayon sa update mula sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mayroong 168 na evacuation centers sa lalawigan.

Pansamantalang nanunuluyan doon ang 9,723 na katao o 3,038 na pamilya mula sa 156 na apektadong mga barangay.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang pamahalaang panlalawiganng Cagayan ng mahigit 11,700 na katao o 3,800 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Ramon at Sarah.

Sila ay pawang residente ng 20 munisipalidad sa lalawigan.

TAGS: #RamonPH, #SarahPH, Cagayan, evacuation centers, PDRRMO, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, #RamonPH, #SarahPH, Cagayan, evacuation centers, PDRRMO, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.