Halos 300 kilo ng hinihinalang botcha, nakumpiska sa isang palengke sa Maynila

By Ricky Brozas November 21, 2019 - 08:54 AM

Nakumpiska ng meat inspectors ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mahigit 260 kilo ng pork ribs na pinaniniwalaang “botcha” o double dead.

Nakumpiska ang mga naturang karne sa New Antipolo Market in Blumentritt.

Ayon kay Dr. Nick Santos, chief ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB), masangsang na ang amoy ng naturang mga karne at iba na ang kulay ng mga ito.

Mali din aniya ang pagkaka-imbak sa karne kaya’t lalong sumama ang kondisyon.

Sinabi ni Santos na malinaw na paglabag ito sa Republic Act No. 10611 o ang Food Safety Act at Republic Act No. 10536 o ang “Meat Inspection Code of the Philippines.”

Ang pagkakakumpiska sa mga pinaghihinalaang “botcha” ay isinagawa ng Manila VIB at ng NMIS Enforcement Team.

Pinaiigting ng VIB Enforcement Squad Team ang kanilang kampanya laban sa mga pasaway na indibiduwal na mananamantala sa Christmas Season para sa kanilang iligal na aktibidad, pambibiktima sa consuming public, partikular na sa mga Manilenyo.

TAGS: botcha, double dead pork, manila, new antipolo market, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, botcha, double dead pork, manila, new antipolo market, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.