Ang 7,899 na mga pulis ay pawang bahagi ng Security Forces at Resources of Task Group ng Southern Luzon na magpapatupad ng seguridad sa SEA Games.
Ipakakalat sila sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad sa SEA Games sa iba’tibang lugar na sakop ng CALABARZON region.
Maliban sa mga pulis, inilatag din sa ginawang send-off ceremony ang mga police mobile at motorsiklong kanilang gagamitin sa pagpapatrulya.
Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na aabot sa mahigit 27,000 ang bilang ng mga pulis ang itatalaga sa lahat ng mga lugar na pagdarausan ng SEA Games.
MOST READ
LATEST STORIES