LOOK: Send-off ceremony sa mga pulis-Calabarzon na itatalaga sa SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2019 - 08:44 AM

Nagdaos na ng send-off ceremony para sa halos 8,000 pulis ng Region 4-A na ide-deploy para sa SEA Games event na magaganap sa CALABARZON.

Ang 7,899 na mga pulis ay pawang bahagi ng Security Forces at Resources of Task Group ng Southern Luzon na magpapatupad ng seguridad sa SEA Games.

Ipakakalat sila sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad sa SEA Games sa iba’tibang lugar na sakop ng CALABARZON region.

Maliban sa mga pulis, inilatag din sa ginawang send-off ceremony ang mga police mobile at motorsiklong kanilang gagamitin sa pagpapatrulya.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na aabot sa mahigit 27,000 ang bilang ng mga pulis ang itatalaga sa lahat ng mga lugar na pagdarausan ng SEA Games.

TAGS: CALABARZON police, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, send off ceremony, Tagalog breaking news, tagalog news website, CALABARZON police, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, send off ceremony, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.