Cancelled Flights: Nov. 21, 2019

Ilang flights ang kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ilang domestic flights ang kanselado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang dito ang flights 5J 504 / 505 Manila – Tuguegarao – Manila ng Cebu Pacific sa Terminal 3 ng NAIA.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

 

Read more...