57-seater ferry idaragdag sa mga bumibiyaheng barko Pasig River

Isang 57- seater na ferry ang nakatakdang idagdag sa mga bumibiyaheng barko sa Pasig River.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, magandang opsyon para sa transportasyom ang Pasig River Ferry ng MMDA.

Pero sa ngayon kulang pa aniya ang bumibiyaheng barko sa Pasig River.

Dahil dito, nagpasya ang Pasig City Government na magdagdag ng ferry na bibiyahe sa Ilog Pasig.

Sa December 2019 ilulunsad na ang “M/B Mutya ng Pasig 1” na kayang magsakay ng 57 katao.

Maliban dito, sinabi ni Sotto na magdaragdag pa sila ng ng barko para dumami ang naglalayag sa Pasig River.

Read more...