BARMM nag-isyu ng Reproductive Health “Fatwa”

By Ricky Brozas November 21, 2019 - 07:14 AM

Nagpalabas ng inclusive ruling sa pagpapatupad ng kanilang bersiyon ng reproductive Health and Family planning Programs ang Regional Darul Ifta o Islamic House of Opinion na siyang paiiralin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa kasalukuyan, ang health programs para sa BARMM ay nasa ilalim na ng turo ng Islam matapos magpalabas ang Darul Ifta ng tinatawag na “fatwa” o Islamic ruling hinggil sa reproductive health at family planning, kabilang na ang expanded program on immunization.

Ang pagpapalabas ng “fatwa” ay bunga nang serye ng public consultations na isinagawa ng Ministry of Health (MOH) – BARMM sa buong rehiyon.

Ang health programs na ipinatutupad sa rehiyon ay sang-ayon sa konteksto ng BARMM pati na rin sa turo ng Islam, ayon kay BARMM Health Minister Dr. Safrullah Dipatuan.

Sabi ni Dipatuan, ang “fatwa” ay Arabic term on Islamic ruling na kailangang sundin ng bawat Muslim.

“The fatwa released on Tuesday shall guide Muslim communities on proper family planning and on how to ensure their reproductive health are implemented according to Islam,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim nais niyang masiguro na ang bawat pamilyang Muslim ay magkaroon ng laya na gusto nilang matamasa.

Maliban sa paglulunsad ng “fatwa,” ay ipinakilala rin ng MOH ang also pinalawig na mga programa sa pagbabakuna.

“We will make sure the immunization is halal (permissive) because halal in Islam is what is good on human beings,” saad pa ni Ebrahim.

Ikinagalak naman ni Dipatuan ang hakbang na ito ng Darul Ifta para sa pag-iral ng “fatwa” sabay himok sa lahat ng stakeholders sa rehiyon na sama-samang magtrabaho katuwang ang health providers para sa ikatatagumpay ng mga programa ng gobyerno.

Ang BARMM ay binubuo ng mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, mga lungsod ng Cotabato, Marawi, Lamitan at ng 63 barangays sa North Cotabato.

Kamakailan ay nagsagawa rin ng bloodletting activity ang MOH kung saan nanguna ang mga empleyado nito sa pag-donate ng dugo.

TAGS: BARMM, family planning, fatwa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, reproductive health, Tagalog breaking news, tagalog news website, BARMM, family planning, fatwa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, reproductive health, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.