Magnitude 4.2 na lindol tumama sa Tulunan, Cotabato
(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Tulunan sa Cotabato.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig alas 6:31 ng umaga ng Huwebes, Nov. 21, 2019 sa layong 19 kilometers northeast ng Tulunan.
May lalim na 22 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Aftershock pa rin ito ng malakas na pagyanig na naitala sa Cotabato.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity IV – Kidapawan City.
Intensity III – Hagonoy, Daval Del Sur
Intensity II – Davao City
Habang naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity IV – Kidapawan City
Intensity II – Tupi, South Cotabato; Davao City
Intensity I – Alabel, Sarangani
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.