Thailand niyanig ng M5.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Pua District, Nan sa Thailand.

Naitala ng US Geological Survey ang pagyanig alas 5:03 ng umaga oras sa Pilipinas.

Ayon sa USGS, ang epicenter ng lindol ay sa layong 35 kilometers ng Pua District.

May lalim na 10 kilometers lang ang lindol.

Wala pa namang napaulat pa na pinsala bunsod ng pagyanig.

Read more...