Pagawaan ng pansit tinupok ng apoy sa QC

Nasunog ang isang pagawaan ng pansit sa Barangay Balon Bato sa Quezon City.

Sumiklab ang sunog alas 3:00 ng madaling araw na iniakyat sa 2nd alarm.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa bahagi kung saan naroroon ang pugon na ginagamit sa pagluluto nagsimula ang sunog.

Nadamay maging ang ikalawang palapag ng pasilidad.

Tinatayang aabot sa P30,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Read more...