Dumating na sa Bangkok si Pope Francis para simulan ang kanyang Thailand-Japan trip na layong palakasin ang morale ng Catholic communities sa naturang mga bansa na itinuturing na ‘minority’.
Sinalubong ang Santo Papa ng dating Thai Prime Minister na si Surayud Chulanont sa pagdating sa Apostolic Nunciatura Embassy of the Holy See sa Bangkok araw ng Miyerkules.
Pero pinakamainit ang naging pagsalubong kay Pope Francis ng kanyang second cousin na si Sister Ana Rosa Sivori na nasa misyon sa Thailand simula pa 1960s.
Si Sr. Sivori ang magiging translator ng Santo Papa habang nasa Thailand.
Ayon kay Cardinal Pietro Parolin, Vatican secretary of state, ididiga ng pangulo sa Thailand ang mga usapin ukol sa interfaith relations at human trafficking.
Hihikayatin ni Pope Francis ang Thailand, isang Buddhist country, na patuloy na maging bukas sa mga migrante at sa mga taong may ibang pananampalataya.
Nasa 0.58 percent lang ng 69 milyong populasyon ng Thailand ang Katoliko.
Pupunta ang Santo Papa sa puntod ni Nicholas Bunkerd Kitbamrung, mas kilala bilang Rev. Benedikto Chunkim, ang kauna-unahang paring martir ng modern Thailand matapos patayin noong 1944.
May misa ang Santo Papa sa National Stadium na dadaluhan ng libu-libong katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.