11 sugatan sa pagguho ng hanging bridge sa Mt. Province

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2019 - 05:59 AM

Sugatan ang labingisang katao matapos mag-collapse ang dinaraanan nilang hanging bridge sa Mt. Province.

Nangyari ang insidente sa Barangay Betwagan bayan ng Sadanga.

Gawa sa kahoy ang tulay na gumuho dahil sa dami ng mga taong sabay-sabay na tumatawid.

Agad na nagtulung-tulong ang mga residente sa lugar para mailigtas ang mga biktima.

Mabuti na lamang at mababa lamang ang tubig sa ilog at hindi malakas ang agos nang mangyari ang pagguho.

Agad namang nadala sa Bontoc General Hospital at sa Luis Hora Memorial Hospital sa Abatan, Bauko ang mga sugatan.

Taong 1991 pa nang itayo ang nasabing tulay.

TAGS: hanging bridge, Mountain Province, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, hanging bridge, Mountain Province, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.