Pag-iral ng liquor ban sa Cagayan binawi na

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2019 - 05:48 AM

Inalis na ng provincial government ang umiiral na liquor ban sa lalawigan ng Cagayan.

Epektibo alas 6:00 ng gabi ng Miyerkules (Nov. 20) ay binawi na ang ipinatutupad na liquor ban.

Bago pa man tumama ang bagyong Ramon ay ipinatupad na ang liquor ban sa Cagayan.

Ito ay para matiyak na ligtas ang lahat ng mamamayan sa pananalasa ng bagyo.

Samantala, may pasok na rin ngayong araw ang mga mag-aaral sa Cagayan maliban lamang sa mga pre-school students.

Ipinaubaya naman ni Cagayan Gov. Manuel Mamba sa mga alkalde kung magsususpinde ng klase sa iba pang antas.

TAGS: #Maypasok, #RamonPH, Cagayan, liquor ban, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, #Maypasok, #RamonPH, Cagayan, liquor ban, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.